* *
here i lay
still and breathless
*
your name:

url:

your message:

*
*
:: home :: profile :: gallery :: links :: content :: friends :: friends of :: archives :: favorites ::
May 4, 2005
ewan
Posted by passenger at 12:36 PM

listahan lang ng mga sasama:

ako
rex
fab
pantu
solon
pippo
melvin
kimps
mar
didang
rose
aaron
jaime

yan pa lang yung sure ako...yung iba, rep na lang para alam ko kung ilan yung final.


May 1, 2005
hoy!
Posted by passenger at 06:28 AM

hoy! ok na yung bataan. may 6-8 (friday to sunday). sabihin niyo lang sakin kung sinu-sino gusto sumama. kelangan lang ng isa pang kotse kung more than 10 tayo. any volunteers? alis tayo nang 5pm sa friday para makasama yung mga atenista. reply na lang kayo dito o text niyo ako para maayos na.


February 12, 2005
and i knew the silence of the world
Posted by passenger at 12:20 PM

i was browsing through the ateneo files in my laptop at around 1 this morning. bigla ko na lang nakita yung power point presentation na ginawa nung mom ko with all the a2004 pics from eli's grad gift. i didn't even know that she saved it on that laptop. anyway, nagpatugtog na lang ako nung mga senti songs habang tinitignan ko yung mga pics. landslide, somewhere over the rainbow, etc. basta senti. naka-ubos ako ng kalahating kaha ng yosi sa dami ng pics...sorry migs, hehe...nakakamiss talaga ang high school...


hmmm...iba naman

nakatugtog na ulit kami sa sonata. sobrang saya nung event namin! dapat feb. 14 yung "heart jam" kaso may event na yung yfc nun so nilipat namin sa feb. 10. puro love songs lang yung tinugtog nung mga groups kaya medyo nakaka-antok na nung banda gitna. nung kami na, bigla na lang nag-ingay ulit yung av hall. karamihan kasi sa kanila taga-hall 1 din. hehe. played fly (6 cycle), love song (311), there is (box car), and my only one (yellow card). sobrang aliw kasi nakahanap na yung grupo namin ng malupit na drummer. nung love song at only one, nakikikanta pa yung audience. nag "moshpit" pa sa likod namin yung ibang sonata members nung tumugtog na kami nung only one. aliw sobra. tutugtog ulit yung group namin dun sa yfc event sa 14. kami yung pinili na magrepresent sa sonata. haha...orayt!







miss you....


February 2, 2005
nanananaaaaaa
Posted by passenger at 12:12 PM

aliw and cebu...parang makati with everyone speaking bisaya.

so yun, nagpakaturista kami nang tatlong araw sa cebu bago pumunta dun sa leaders conference. i told julie to pretend to be an exchange student from england tapos magtanong siya sa information counter sa airport kung saan mura mag-stay. binigyan kami ng libreng mapa ng cebu. orayt!

dala namin yung mapa na yun kahit san kami pumunta. sabog lang kasi parati pa rin kami nawawala. ended up spending most of the time sa ayala. BURGIS! nakapunta din naman kami sa iba pang lugar na malamang pinupuntahan ng mga turista kaya masaya pa rin.

wednesday to friday yun

nung sabado, nagsipagdatingan na yung ibang delegates from iloilo and tacloban. masaya naman yung conference. got to meet new people. inikot pa nga kami nung up cebu pips nung gabi para lang happy-happy.

andun din nga yung bagong student regent eh. parang sabog siya pero masaya. ayos!

sunday, nagplenary session lang kami buong araw. mas ok na siya compared dun sa mga plenary session namin sa fish sc. nakapass kami ng 16 resolutions within 3 hours. ok na yun compared sa session namin sa fish kung saan umabot ng 1 oras yung debate kung pwede bang gamitin and word na "democratic" dun sa preamble nung isang resolution. yuts!

after nung plenary, madaliang bye-bye kasi malapit na yung departure time nung barko namin. nga pala, first time ko nakasakay sa malaking barko na matagal ang biyahe. sa economy lang kami pero masaya kasi ang dami namin. yung mga bading naming kasama, pasok ng pasok dun sa bridge tapos nagpapakiss sa crew. sabog amputa. around 16 hours yung trip tapos pagdating sa iloilo, diretso agad ako sa AS kasi may exam ako sa lit2...niiice.

yun lang.



January 27, 2005
elo from cebu
Posted by passenger at 02:35 PM

i'm in cebu right now. may all leaders conference kasi yung lahat ng org heads sa UP visayas. decided to go para lang may madagdag akong lugar sa listahan ng mga napuntahan ko na sa pinas. kasama ko si bing bing and julie (dorm mates ko) at nung wednesday pa kami nandito. yung conference, saturday pa talaga yung start. oh well. representative ako nung house council and sc nung fisheries pero duno kung ano pa talaga gagawin namin. decided to cut 3 school days para makaikot ako sa cebu. hehe.

la akong magawa sa pension house na tinitirahan namin kaya nag-online na lang ako. kakapagod talaga maging turista.

update na lang ulit ako pag-balik ko sa iloilo. orayt!


January 21, 2005
ayos!
Posted by passenger at 01:27 PM

lalalala...

as of now, medyo ok na ako...hindi na talaga nadedepress kasi naka-adjust na ulit.

astig last weekend! medyo nagagawa ko na rin yung mga lonely planet ek ek na gusto ko gawin. hehe. pumunta ako sa kalibo para sumali sa ati-atihan and since la kaming pasok buong friday, we decided to leave early from the dorm para makadaan kami sa "long-cut" papuntang aklan (via antique). mga 5.30 am kami nakasakay ng bus kaya sobrang lamig nung trip. nag-stop over kami sa bahay nina FLORD (sige tawa na kayo pero yan talaga pangalan niya) sa tibiao, antique. by the way, room mate ko siya at classmate sa halos lahat ng subject. anyway, coastal highway yung dinaan namin kaya astig yung view buong trip. nung malapit na kami sa bahay niya, may nakita kaming naghahakot na nung otoshi-ami nila (type of fish trap siya na sobrang laki at nakakabit sa baybay). pagdating namin sa bahay nila, binaba lang namin yung gamit tapos dumiretso kami kung san nakaset-up yung otoshi-ami. unang beses ko nakakita ng tanigue na buo pa kaya naaliw ako. 17 kilos, langya, mas malaki pa yung puta sa hita ko! medyo pumapalag pa nga nung ikikilo na eh. tapos nun nagkayayaan mamangka papunta sa otoshi-ami. sinama namin si kuya rex (peer councilor sa dorm) so bale tatlo kami sa isang maliit na bangka. nung una, tatlo kaming nagsasagwan pero since di marunong si kuya rex at nababasa niya lang kami, pinaupo na lang nami siya. ang lupet nung set-up nung net. mahirap i-explain eh pero nakakahuli siya ng sailfish, manta ray, at iba pang malalaking isda. basta gusto ko bumalik dun kapag naghahakot sila.

after nun, lunch na lang kina flord tapos sakay ulit ng bus papuntang pandan. di lang ako sure kung aklan na yun or capiz. from pandan, nag-abang naman kami ng jeep papuntang kalibo. since ati-atihan nga, lahat ng jeep na dumadaan, puno na. para hindi kami ma-strand sa pandan, sa bubong na lang kami ng jeep sumakay. 1hour 30 minutes sa bubong ng jeep! actually, sa bubong ng jeep ako usually nakakasakay pabalik ng miag-ao galing sa city tuwing sabado kasi last trip na yung naabutan ko, pero hindi ganun katagal.

pagdating sa kalibo, nag-iwan lang kami ng gamit kina evone (isa ko pang dorm mate) tapos diretso na sa parang street party nila dun. ok lang naman. nakita ko yung tatay ni quimpo. nung una nga, ayaw ko pa lapitan kasi di ako sure. mga 3 am na kami bumalik kina evone tapos yung balak, walang tulugan kasi aalis kami nang 5 am papuntang caticlan/boracay. sa sobrang pagod nung biyahe/party, di na namin nakayanan. 6 kami nagising tapos diretso na sa bora after.

iba yung bora kapag hindi summer. parang kami lang yung hindi foreigner dun. hehe. masaya pa rin. this time, kina ring ring naman kami nakatira. kami-kami na lang nagluto ng lunch at dinner. hehe, marunong na ako magluto ng relyenong bangus at chicken curry! after dinner, night swimming sa beach...bad idea...di kami nagtagal ng 10 minutes sa tubig. tangina ang lamig! after nun, ligo lang sandali tapos punta sa pier one. sandali lang kami dun kasi namahalan kami sa beer so bumili na lang kami sa sari-sari at dun na lang kina ring nag-inuman. yung masaya dun, sa amin lang talaga yung bahay. wala yung parents niya. problema lang, kami rin taga-hugas ng plato atbp.

the next day, balik kami ulit sa kalibo para sumayaw-sayaw na. nung nasa van kami pabalik, narinig namin yung news sa radyo na may barilan daw. pagdating sa kalibo, nananghalian na lang kami kina RS (isa pang dorm mate) tapos diretso na sa iloilo. hindi na kami sumayaw-sayaw kasi ayaw nung mom ni RS dahil nga daw dun sa barilan.

pabalik sa miag-ao, sa short cut naman kami dumaan (via capiz/iloilo) so naikot namin yung buong panay sa trip na yun. masaya siya pero nakakapagod din.

haba na ba? hehe...

next week, all leaders conference naman sa Cebu!

may goal na ako bago ako mag-25. dapat matungtungan ko at least 80 percent ng mga major islands dito sa pilipinas! hehe. feel ko kung sumali ako sa student council, mas madali nang gawin yun dahil sa mga conference. temporary batch-rep na ako ngayon since nag-resign yung batch-rep namin. na-appoint lang ako nung student council dahil cool daw ako! hehe...

tama na nga...

next time...

magpakasaya kayo kasi yun yung ginagawa ko dito!
tara na biyahe tayo!


January 7, 2005
mauli rin ako sa...
Posted by passenger at 01:16 PM

nung paalis na ako, sinabi ko sa lola ko na uuwi na ako sa iloilo...ganun na siguro kelangan yung tingin ko sa lugar na 'to. ewan ko kung bakit, basta lang.

iniwasan ko talagang mag-online nung bagong dating ako. lalo lang kasi ako madedepress eh. nag-hanap na lang ako ng mga dorm mates ko na mekwekwentuhan ng masaya kong break.

anyway, since online ako ngayon, nalulungkot ulit ako kasi wala masyadong tao.

tae


at least pantua made me smile kanina with the text...kahit kadiri isipin.

text/tawag naman kayo! hehe


December 16, 2004
paaaaaaaaaaaaaang-annoooooooy!!!!!!
Posted by passenger at 02:42 AM

mehn...pwede na sana ako umuwi nung tuesday. lang kwentang mga prof. tinamad na kasi magklase. so mula tuesday asta subong, tinatapos ko na lang lahat nung assignments for the break. gonna submit sa friday na para may bonus.

pak shet!


December 3, 2004
pompompom
Posted by passenger at 01:44 PM

15 days to go...

vince, melvin...maghanda na kayo!!!!

sobrang busy na ng mga susunod na araw

long exams, sportsfest sa dorm, xmas party, lantern parade, at ang putang inang cwts.

ok na sana kaso kasama ako dun sa mga nagplaplano at nag-aayos nung mga bagay sa taas eh. hassle. napasubo ako sa pagiging leader ek ek.

punta dito sa iloilo next week si dad. sasamahan ko siya sa bacolod to check out this farm. masaya ako kasi may isa pa akong lugar sa pilipinas na mapupuntahan! after nun, bili na ako ng pc ko! yey!

yun lang...

welcome back vince!


« Newer | »